Connect with us

Latest News

Tribu Yapak, Grand Champion sa Boracay Ati-atihan Festival

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Shaine Sorrosa

Boracay Island- Ipinamalas ng tribu ang masiglang sayaw at makasaysayang kwento na sumasalamin sa ugat ng Ati-atihan. Kapansin-pansin sa kanilang pagtatanghal ang tradisyunal na anyo ng mga kalahok na pinahiran ng uling ang buong katawan, dahilan upang halos itim na itim ang kanilang balatβ€”isang simbolo ng paggalang, pakikiisa, at pagkilala sa kultura at kasaysayan ng mga Ati.
Sa saliw ng mga tambol at sigawan ng β€œViva! Viva! Viva!,” muling pinatunayan ng Tribu Yapak ang husay at dedikasyon sa pagpapanatili ng tradisyon. Nagpaabot din ng pasasalamat ang tribu sa walang sawang suporta ng komunidad. Naging grand champion ang grupo sa Balik Ati category.
Ginanap ag Boracay Ati-atihan nitong January 9-11, 2026.
β€œSalamat kagi sa suporta!” mensahe ng grupo matapos tanggapin ang tropeo.
Ang Boracay Ati-atihan Festival ay patuloy na nagsisilbing buhay na patunay ng mayamang kultura ng Aklan at ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sayaw, musika, at pananampalataya.
Photo Credit to SB Jhonnel Casidsid

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay