Connect with us

Latest News

4th impeachment complaint vs VP Sara may basbas ni Romualdez — Tiangco

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Navotas- Kumbinsido si Navotas City Rep. Toby Tiangco na may basbas ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang panayam, sinabi ni Tiangco na siguradong alam ni Romualdez ang tungkol sa ikaapat na impeachment dahil ang nag-endorso nito ay si Deputy Speaker Paolo Ortega V, na isang miyembro ng partidong Lakas.

Ayon kay Tiangco, siguradong kinonsulta muna ni Ortega si Romualdez, na siyang pangulo ng partido, bago nito ginawa ang pag-endorso sa impeachment complaint. โ€œHindi ako naniniwala na ang isang ganitong kalaking bagay eh ifa-file ng isang leader ng Lakas nang hindi nagkokonsulta kay former Speaker Romualdez. Ang tingin ko pa nga diyan is siya ang may gusto na mai-file โ€˜yan,โ€ giit ni Tiangco.

Idinagdag pa ni Tiangco na batid ni Romualdez na posibleng humarap siya sa pananagutan ukol sa maanomalyang flood control projects kung manalo si VP Sara sa 2028 elections. โ€œAssuming he gets away with accountability dito sa administrasyon na ito, Iโ€™m sure kung manalo si VP Sara as president, he will not get away from accountability, di ba? At alam niya rin โ€˜yon,โ€ wika pa ni Tiangco.

Nanawagan naman si Tiangco sa liderato ng Kamara na maging patas sa proseso sa impeachment complaints, katulad ng ginawa sa mga reklamo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Una nang sinabi ni Tiangco na may command responsibility si Romualdez sa sinasabing insertion sa flood control projects na iniuugnay kay dating Ako-Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

Paliwanag ni Tiangco, hindi sana nangyari ang pagsingit ni Co ng pondo para sa flood control kung pinigilan lang ito ni Romualdez.

Bread & Butter Biscocho de Boracay