
Berezovsky- Halos hindi mang kapaniwala ang karamihan matapos na personal na talunin sa election ang incumbent mayor ng babaeng personal driver ng kaniyang mismong asawa.
Kinilala ang mayor na si Yevgeny Pistsov ng lungsod ng Berezovsky sa Russia. Tumatakbo si Pistsov sa kaniyang ikaapat na termino ng talunin siya ng driver na kinilalang si Yulia Maslakova.
Si Maslakova at Pistsov ay kapuwa supporter ng Russian President na si Vladimir Putin.
Ang pinapayagang bomoto sa Russia tuwing election ay mga representante ng mga itinanghal na personalidad na pinili ng isang komite. Si Pistsov ay nakakuha ng botong anim at 17 kay Maslakova.
Pinaniniwalaang ang pagkatalo ni Pistsov ay bunsod ng pamimilit diumano na huwag siyang bigyan ng kalaban ng partido sa nasabing election.
Sinabi naman ni Maslakova na wala siyang intention na manalo sa eleksyon at nais sana niyang mag resign. Hindi naman siya pinayagan ng kaniyang mga supporters na mag resign dahil sa kaniyang pagkapanalo.
Nakatakda naman ang kaniyang oath taking bago matapos ang buwan ng February 2025.
Sa oras na hindi eto sumipot sa nakatakdang oath taking muling magkakaroon ng panibagong election sa nasabing lungsod.(Oddity Central)