

Ibajay, Aklan- Isa na namang Ibajaynon ang binigyang parangal sa larangan ng panitikan sa buong Western Visayas.
Eto ay matapos inanunsyo ng Kasingkasing Press si Shur Mangilaya bilang isa sa mga napili para sa prestihiyosong Taohay Zine 2026. Ang nasabing parangal ay kasabay ng selebrasyon ng Nationalย ย Literature’s Month.
Ayon sa Facebook post ng Taohay NCCA Cultural Center and Regional Hub kasama ang Kasingkasing Press na base sa Iloilo City isa si Shur sa pitong kuwentista sa Western Visayas para sa nasabing seleksyon.
Inaasahang maglalahad ng kuwento, tula at mga sanaysayin si Shur na magtatanyag ng mayamang kultura atย linggwistika sa buong rehiyon. Inaasahan din ng organizers na gagamitin ni Shur ang lenguwahengย Akeanon sa pagkukuwento.
Nauna nang ibinalita ng Boracay Island News Network na si Perry Mangilaya, nakakabatang kapatid ni Shur na kinilala rin kamakailan ng University of the Philippines-Visayas bilang isa sa pinaka magaling saย larangan ng panitikan sa buong rehiyon.
Si Perry ay matagal nang editor ng klasikong Liwayway Magazine.