Connect with us

Entertainment

Dj Nicole Hyala Imbitado sa Makato Alumni Night

Published

on

Makato, Aklan- Inimbitahan para dumalo sa Alumni Night ng Makato Elemetary School /Makato Integrated School (MES/MIS) ang sikat na disc jockey (DJ) na si Dj Nicole Hyala sa darating na Enero 9, 2025.

Ayon kay Tommie Mopia, alumni officer ng nasabing eskuwelahan, maliban kay Nicole Hiyala, posible pang may iba pang celebrities na dadalo sa nasabing pagtitipon.

Kilala si Nicole Hyala hindi lamang isag Dj kung hindi pati na rin station manager ng 90.7 Love Radio Manila.

Ayon kay Mopia, ilan lamang sa activities na isasagawa ng nasabing alumni group ay Dye-eagan a fun run for a cause, alumni night homecoming, at one day na League Voleyball Tournament for men and women. Isasagawa ang dye-eagan sa January 9, 2025.

Ang volleyball tournament naman ay nakatakda sa January 12, 2025.

“Mapupunta ang pondo na naipon sa Dye-eagan sa school building project ng MESMIS,” pahayag ni Mopia sa Boracay Island News Network.

Para sa mga updates at dagdag kaalaman bisitahin lamang ang facebook page ng Mes/Mis Alumi Bulletin/Updates https://web.facebook.com/people/MesMis-Alumni-BulletinUpdates/61566547811209/?_rdc=1&_rdr .

 

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *