Connect with us
News Trends PH

Entertainment

Aklanon isa sa tagapagtaguyod sa premier ng pelikulang Hello Love, Again sa California

Published

on

MAKATO, Aklan- Isang taga bayan ng Makato, Aklan ang napili ng production ng pelikulang “Hello Love, Again” para mag organisa ng premier show nito sa California, USA.

Ayon kay Tommie Mopia, isang concert producer sa USA, personal siyang pumunta ng Metro Manila galing ng California para sa paglulunsad ng nasabing pelikula sa ibat ibang bahagi ng bansa. Isa siya sa mga dumalo sa red carpet premier ng nasabing pelikula sa SM Megalmall nitong November 12.

 

Isasagawa naman ang California premier sa darating na November 20 at sold outs na diumano ang tickets nito.

Pangungunahan ni Mopia mismo ang magdadala sa casts sa California sa November 17.

Ang Hello Love Again ay isang sequel ng pelikulang Hello Love, Goodbye noong 2019 kung saan bida rito sila Alden Richards, Kathryn Bernardo, Joross Gamboa at iba pa.

Si Mopia ay founder ng TGM Group of Companies sa California.

“Ang aming grupo ag siyang mag oorganisa ng premier nito sa California”, pahayag ni Mopia sa Boracay Island News Network.

Ang romantic drama film na eto ay base sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana at sinulat sa screenplay ni Carmi G. Raymundo at Olivia M.Lamasan.

Napag alaman na sold out na ang tickets sa pagpapalabas nito sa isla ng Boracay.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *