Connect with us

Latest News

Dj sugatan matapos mabaril ng kaniyang dating landlord sa Boracay

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Shaine Sorrosa

Boracay- Sugatan ang 39-anyos na si Melvin Benerio, isang DJ at may-ari ng cellphone at laptop repair shop sa Balabag, Boracay, matapos pasukin at barilin ng kanyang dating landlord sa mismong loob ng kanyang tindahan ngayong Martes ng hapon, Oktubre 14.
Kinilala ang suspek na si Henry Delos Santos, 40-anyos, na armado ng caliber .45 na baril nang magtungo sa shop. Nagkaroon sila ng komosyon at agawan ng baril, hanggang umabot pa sila sa labas ng tindahan, tinamaan na sa tagiliran si Benerio
Mabilis na rumesponde ang kapulisan, agad naaresto ang suspek, at kasalukuyang nakakulong sa Boracay Police Station. Isasampa laban sa kanya ang kasong frustrated murder.
Ayon sa pulisya, dating nangungupahan ang biktima sa paupahan ng suspek at posibleng alitan sa renta ang motibo. Mariin namang itinanggi ng live-in partner ni Benerio na may utang pa sila
Nilinaw rin ng Malay PNP na walang nangyaring hostage-taking, taliwas sa mga maling ulat sa social media.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay