Connect with us

Latest News

Nasa 273 na mga pulis sa Aklan, tumaas ang rangko ngayong 2023

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

Umaabot sa 273 na mga pulis sa lalawigan ng Aklan ang nagkaroon ng pagtaas ng rangko ngayong 2023.

Ayon kay P/Cpl. Leonilyn Artes, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office o APPO na ginanap ito sa pamamagitan ng oath-taking donning and pinning of ranks sa headquarters ng APPO.

Ang 273 na mga pulis ay isinailalim sa pagbusisi ng Police Regional Office o PRO-6 Promotion Committee at Promotion Board upang pataasan ang kanilang rangko.

Na-assign ang mga ito sa iba’t ibang police stations sa lalawigan na nakapasa sa qualification standards para sa appointment sa masunod na higher PNP ranks ayon sa National Police Commissioned (NAPOLCOM) Resolution No. 2013-501.

Sa kabila nito, pinili rin ng PRO-6 na dito nalang sa Aklan manumpa ang mga promoted police na mula sa iba pang Police Regional Office na itinalaga na magbantay para sa Ati-Atihan festival.

Ang promotion ay nagresulta ng merit system upang makilala ang mga PNP personnel at mapataas rin ang kanilang mga moral.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay