
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Kinoronahan kamakailan si Miss Dominique Alvarado, isang Grade 10 na estudyante mula sa Maloco National High School, Ibajay Aklan bilang Miss MNHS 2025 sa ginanap na selebrasyon ng taunang School Intramurals ngayong taon na pinamagatang BARLAK 2025.
Ipinakita ni Dominique ang kanyang galing, talino, talento at kagandahan sa kompetisyon na naglalayong hikayatin ang pagkakaisa at kasiyahan ng mga mag-aaral. Sa kanyang bagong titulo, siya ang magiging simbolo ng kagandahan at karangalan ng paaralan.
Ang nasabing event nitong September 18 ng gabi ay bahagi ng mga aktibidad na naglalayong pagyamanin ang samahan at talento ng mga estudyante sa Maloco National High School sa bayan ng Ibajay.
Ang Ibajay, Aklan ay matatagpuan sa second district ng Aklan.