
By: Kalibo Councilor Phillip Kimpo
Ang “Paiwag” (o “Bag-ong Kahayag it Kalibo” this year) ang isa sa highly anticipated na events sa kalendaryo ng Kalibonhon. At bilang Konsehal ng Kalibo sa loob ng 9 na taon, dalawang beses ko pa lang yata ito na-miss.
Una, noong 2019, kakapanganak lang ni misis kay Raha.
At ikalawa, nito lang Sabado, dahil ulit sa ating Rahing.
Sumabay kasi ang kanilang school Christmas presentation, doon sa Provincial Capitol. Habang inaantay kong magperform ang klase nina Raha, nakabantay naman ako sa cellphone kung malapit na bang mag-countdown sa plaza.
May mga kasamang parents na nagsabi sa akin: importante na naroon ako sa plaza, maraming tao doon, sayang raw ang kailangang-kailangang exposure, lalo at tumatakbo pa naman ako sa 2025. Ibilin ko na lang muna si Raha sa mga kakilala.
Pero alam kong excited si Rahing mag-perform. Ilang gabi niyang pinapraktis nang kusa sa bahay.
At alam kong excited siyang makita ako sa audience, lalo at wala si Mommy niya (nasa flight duty sa Manila).
Sa madaling sabi, nakakaproud ang naging performance ni Raha. Pagkatapos, nagkumahog kaming makahabol sa countdown.
Kaso, pagdating namin 1 kanto na lang mula sa plaza, ayun, pumutok na ang fireworks.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Raha sa loob ng kotse. Doon na lang kami nanood.
Malungkot akong hindi ako nakahabol sa Paiwag.
Pero higit na nag-uumapaw ang saya ko sa puso na naroon ako bilang tatay para kay Raha.
Solb na akong makita siyang masaya
