Politics
100 Days Report of New Washington Mayor Jessica Panambo
Published
3 years agoon
By
admin


POINTS OF AGENDA
- Peace and Order, Disaster Preparedness
- Agriculture, Fisheries, and Environment
- Tourism, Economy, and Sustainable Development
- Health
- Welfare and Social Services
- Access on Logistics and Infrastructure
- Youth Empowerment and Education
***
(acknowledgement .. )
I would like to give honor and glory to our God Almighty Who is always with me in my life’s journey.
Thank You, Lord, for all the blessings, favors and Your sufficient grace. Because of You, Lord, I am where I am now.
MAYAD –AYAD NGA HAPON KINYO TANAN.
PAGBAG-O, DISIPLINA ag PROGRESO raya ro akong gusto nga makit-an sa sueod it tatlong dag-on sa atong Banwang New Washington.
Ang unang araw ko bilang Mayor ng New Washington ay hindi ko makakalimutan dahil may halo itong saya at lungkot.
Masaya dahil mainit ang pag welcome sa akin ng LGU NW Personnel especially during transition.
Malungkot dahil wala man lang akong dinatnan kahit isang paper clip sa Mayor’s Office.
Isa sa aking mga PLATAPORMA ay ang DISIPLINA kaya sa pangalawang araw ng aking panunungkulan ay naglinis tayo ng ating tahanan. Bilang pagpapakita ng halimbawa ng DISIPLINA sa sarili.
Maraming salamat sa mga LGU Personnel especially sa mga Department Heads na sumama at naglinis sa loob at paligid ng MUNISIPYO. Dahil naniniwala rin ako na “Cleanliness is next to Godliness”.
Sa akong pag pungko bilang Mayor it banwang New Washington, hakit-an ko ro abong kakueangan. Abo gid ro dapat nga ayuson ag paga taw-an it atensyon ag aksiyon.
My vision for our shared future has a blueprint called, PATHWAY.
It was derived from the pressing issues, concerns, challenges and problems of our municipality that were identified starting the day I took oath to lead our municipality.
This First 100 Days is only the beginning of our collective efforts to revitalize and rebuild the town of New Washington.
Kaibahan ko atong Vice Mayor, Sangguniang Bayan Members, Department Heads, Barangay Officials, LGU employees, and stakeholders ginkabuliganan ag ginhimueatan nga madayon ag matigayon ro mga proyekto nga dapat taw-an it progreso.
Today, I humbly present my accomplishments for the First 100 days in the service as the Local Chief Executive using the blueprint PATHWAY.
- Let us start with letter P – Peace and Order, and Disaster Preparedness
Nagapati ako nga ro Peace and Order hay importante sa kamaeayran it atong komyunidad. Dapat gid nga suportahan ro atong MEN AND WOMEN IN UNIFORM.
Kaya naman upang ipakita ang aking suporta sa kanila ay ipinagkaloob ko ang aking unang sweldo upang makabili ng dalawang motorsiklo para gamitin ng ating NWPAU-TRAFFIC DIVISION bilang Motorcycle patrols ng ating bayan.
Tayo po ay palaging nakikipag ugnayan at nakikipagtulungan sa mga FRIENDLY FORCES natin na lead agencies na sumisiguro ng ating PEACE AND ORDER kagaya ng PNP, PDEA, PHILIPPINE ARMY, COAST GUARD, BFP, at PHILIPPINE ARMY RESERVIST.
I am happy to note na sa loob ng First 100 days ko ay wala tayong major issue sa Peace and Order na nangyari. Yan po ay dahil sa sipag at dedication ng ating mga Kapulisan, NWPAU, at mga Barangay Tanod or BPAT sa kabarangayan. Sana po ay tuloy-tuloy nating masiguro ang Peace and Order situation sa ating bayan.
Nagpapasalamat din ako sa mga Kasimanwa natin na nagbalik loob sa Gobyerno, sila po ay mga dating miyembro ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (PAMALAKAYA). Nandito po ngayon ang isa sa mga kasamahan nila, si Ginang Jerelyn Trinidad Corezo, salamat sa pagdalo sa aking SOMA. Maraming salamat din sa Philippine Army 3rd Infantry Division, sa pangunguna ng pag organisa ng Cawayan Vendors Bayanihan Organization. Kung saan atin rin pong binigyan ng personal na tulong, ang grupo bilang seed money para may mapagsimulan sila.
Para masiguro ang tuloy-tuloy at epektibong serbisyo ng ating mga Kapulisan, dinagdagan pa natin ang Gas Allocation ng PNP at ang Maintenance allowance ng PNP FADUCA sa Ochando at COMPAC sa Candelaria.
The campaign against illegal drugs is also one of the priority programs of my administration. And in order to make New Washington a drug cleared municipality, the Balay Silangan is being activated.
Nagkaroon rin tayo ng reorganization ng MDRRMC New Washington Emergency Response Team for more effective and continuous 24/7 emergency response operation.
Atin na rin pong isinailalim sa Pre- bid ang pag purchase ng bago at modernong rescue vehicle.
For the enhancement of skills and knowledge of MDRRMO personnel sila po ay nagkaroon ng agarang Training sa mga sumusunod:
- Basic Incident Command System Course Blended Training
- Rapid Damage assessment and Needs Analysis Training
- Local Disaster Risk Reduction and Management Plan Blended Training.
Also, they participated in the DOST project #MAGHANDA Training with other LGU Departments.
Sa darating na October 15, 2022 ay magpapadala rin tayo ng mg personnel para sumailalim sa Radio Operator Training, sa Roxas City.
Mayroon rin tayong daily monitoring and dissemination ng PAG – ASA weather bulletin. We also conducted security and monitoring of schools during the Balik Eskwela 2022, noong August 22.
- NOW with letterA – Agriculture, Fisheries and Environment
AGRICULTURE
In partnership with the Department of Agriculture through our Municipal Agriculture Office (MAO), we distributed high-quality inbred seeds under the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) and the Rice Resiliency Project (RRP).
Nilalayon nitong pataasin ang lokal na produksyon ng ating bigas upang labanan ang kawalan at kakulangan ng supply ng bigas sa kalakalan sa daigdig lalo na sa ating bansang Pilipinas at isulong ang seguridad sa pagkain sa gitna ng pandemya.
A total of 373 registered farmers under the RSBSA program of the Department of Agriculture received 476 bags of inbred seeds from DA PhilRice.
Sampung rehistradong magsasaka na apektado ng bagyong AGATON, ang nakatanggap ng cheke mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Dahil dikara, hay na-encourage ako nga gamiton ag i-donar ro portion ko akong 2nd Salary, para sa 250 farmers who successfully insured their crops now.
FISHERIES
Para mapabilis ang proseso ng pag-rehistro ng ating mga bangka, ay nagkaroon na rin po tayo ng E-rehistro o Electronic Registration ng mga Municipal fishing boats.
Sa tulong ng Provincial Agriculture Office, nagsagawa rin po tayo ng underwater assessment and monitoring of the status of Artificial Reefs kung saan makikita ang mga corals, located sa Brgy. Polo, Brgy. Cawayan, Brgy. Ochando, Brgy Fatima, at Brgy. Tambak. Sa Barangay Tambak, historically lumubog ang barge noong 1978, at ngayon ay nagsisilbing Artificial reef which is potential for Tourist diving site.
At para din maging updated tayo at maging accurate ang assessment sa totoong kalagayan ng ating Municipal Sea Water, pinagsikapan nating isagawa ang underwater assessment. Maraming Salamat po, Mr. Marlon Magbiro, Head of Municipal Agriculture Office at MAO Consultant, Mr. Edwin Rome.
Sa tagal ng panahon, sa wakas ay matagumpay nating naisagawa ang Rehabilitation and Opening of Navigable inland waterway at Brgy. Tambak bridge.
Maraming salamat po sa malaking tulong sa atin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District headed by Engr. De Gener J. Abergas. Mabuhay po kayo!
Then to manage efficiently our Fish Ponds & fish cages, I instructed our Municipal Agriculturist, Mr. Marlon Magbiro to update their data, monitor, and come up with a more responsive processes or Citizens Charter to properly regulate our existing Fish ponds & Fish cages at Lagatik River and Fish gears in our Municipal Sea Water. We want a clean and rich ecosystem at Lagatik river. We will make it a more sustainable para naman ma experience at maappreciate ng susunod na henerasyon ang ganda at biyaya ng ating mga ilog.
ENVIRONMENT
On Environment, sa unang linggo ng aking pag-upo tumambad sa akin ang status ng ating “DUMPSITE.” There is already a “Notice of Closure” from the DENR because of Poor Management of our dumpsite.
Dahil dito ay agad-agad tayong nagpatawag ng meeting kasama ang MENRO at ang Service Provider for Garbage Collection. Dahil sa pagpupulong na ito ay nakagawa tayo ng comprehensive Evaluation and Plan kung paano ang proper management for the garbage collection and the operation of our controlled dumpsite.
Maraming-maraming salamat sa ating masipag na OIC, MENRO, Engr. Mickel Boy Regalado, at mga LGU personnel assigned sa dumpsite. At ngayon ay nagkaroon na po ng substantial improvement ang ating LGU-Controlled dumpsite. Na kalaunan ay maaari na nating ipagmalaki bilang isang ECO Park, na imbes amoy-basura, ito ay maghahalimuyak ng amoy ng ilang-ilang, dahil sa pagtanim natin ng mga puno.
- Let’s proceed with letter T- Tourism and Economy
Upang lumawak pa ang ating kaalaman at maequip sa larangan ng turismo ay pinadalo natin ang ating Tourism Officer sa Basic Tourism Statistics Training sa Roxas City, Capiz noong August 16-18, 2022. Nagkaroon din po tayo ng Local Culture and The Arts Training by National Commission of Culture and The Arts sa Aklan Training Center.
Isa sa mga icons ng New Washington ay si Jaime Cardinal L. Sin, Archbishop of Manila. Kaya naman noong nakaraang Agosto 31, 2022 ay ating inalala at ipinagdiwang ang Ika 94th Birthday niya.
At noon namang September 28 – October 2, 2022. We showcased and exposed the AKLAN Local Traditions, Cultures, and Products during the Philippine Travel Mart Exhibit at SMX Convention Center, Mall of Asia Manila. Kasama po ng inyong lingkod, sina SB Allan Bernardino and Mr. Jerrene Meñoto maging ang ASU New Washington Cultural Group ay nakasama rin natin sa pangunguna ni Dr. Myren Y. Ginoy.
It is a great privilege that Ms. Christine Mansinares, the Regional Director of the Department of Tourism had a Courtesy Visit and Inspection of Attraction of tourist spots in New Washington last August 24, 2022. Last week lang po we received a message na ang tutulong mismo sa pag gawa ng New Washington Tourism Development Plan ay no less than our Regional Director of Tourism, Ma’am Mansinares herself in developing the Religious Devotion and Piety of our people, invited guests, and tourists.
Ipinagdiwang din natin ang FLUVIAL PROCESSION noong October 7, 2022 ito po ay aktibidad ng ating Parish Pastoral Council of our Lady of the Most Holy Rosary in partnership with LGU New Washington, Municipal Culture and the Arts Council, and Municipal Tourism Council.
Isa sa mga natatanging historical events na meron sa New Washington ay ang Pacto De Sangre. As early this time ay nagpaplano at naghahanda na po tayo para sa proposed weeklong celebration ng Pacto De Sangre Festival sa March 2023. Ito ay sa tulong at kooperasyon ng Sangguniang Bayan, Stakeholders, at mga Non-government Organizations (NGOs) sa ating bayan.
For a more sustainable economy and economic development, I gave priority to the rehabilitation of our Municipal Public Market. Pinaayos po natin at pinalinisan ang ating palengke upang maging maayos ang kalagayan ng mga vendors sa loob ng Public Market, maging ng mga mamimili.
Atin din pong ini-improve ang mga facilities sa Talabahan Village sa Brgy. Tambak as a future tourist destination.
Inayos natin at nilinis ang ating Municipal Port at may mga nag paabot naman po ng kanilang interest na muling bumalik sa New Washington ports at dito mag baba ng kanilang mga cargo at pasahero. Sa ating National Port sa Dumaguit ay nagkaroon na rin tayo ng initial na pag-uusap with 2GO Shipping Company at Philippine Ports Authority sa Planong pag operate nila sa Dumaguit port.
- For Letter H- Health
Una po sa health, last month po tumawag po sa akin ang ating butihing Governor JOEN MIRAFLORES sinabi niya po sa akin na tuonan ko ng pansin ang Health status ng New Washington dahil tayo ay naitala na may mataas na bilang ng malnourished children sa resulta ng datos noong 2021.
At alam niyo ba kung pang ilan tayo sa buong Pilipinas? Ika-28 po tayo sa ranking ng maraming malnourished children.
Alam niyo rin po ba kung ilan ang municipalities sa buong Pilipinas? Nasa 1,488, at para sa akin, mahirap tanggapin ito dahil biniyayaan tayo ng dagat, ilog at malawak na palayan.
Bilang sagot, inatasan ko po ang MSWDO at RHU na ivalidate ang data, alamin kung ano ang mga dahilan at bigyang prayoridad ang kalusugan ng mga tao sa New Washington lalo na ang mga bata.
To address the High Malnutrition Issue sa New Washington, atin rin pong pinalakas ang serbisyo ng Barangay Nutrition Scholar (BNS), yung honorarium ng BNS ay ginawa nating 12 months, na dati ay 10 months lamang ang kanilang natatanggap ayon sa kanila. At kailangan pa nilang magbayad ng Notarial Fee, pero sa Administrasyong ito, hindi na sila kailangang magbayad. Libre na po ang Notario.
Tinaasan rin natin ang honorarium ng BNS, gayundin ang Barangay Health Workers na ngayon ay tinatawag na CHILD DEVELOPMENT WORKERS na magiging epektibo sa JANUARY 2023. Magkakaroon tayo ng mga school-based Feeding Programs at kasama na rin po ang mga Barangay natin sa tulong ng ating mga butihing Barangay Captains.
At ako po ay nasiyahan dahil Idineklara ang Barangay TAMBAK at Barangay PUIS na ZERO OPEN DEFECATION ng Department of Health through Provincial Health office.
May dagdag na po tayong isa pang Doctor sa ating bayan, si Dr. John Cristopher “JC” Luces, na katuwang ngayon ng ating masipag na si Dr. Daystar Sedillo kaya naman may regular na tayong kunsultasyon:
RHU I , Poblacion, New Washington – MWF 1:00-5:00PM
RHU II , Brgy. Mataphao, New Washington – TTH 8:00-12:00NN
Sa planong itatayo na District Hospital na itatayo at popondohan ng DOH na kung saan mag ca-cater sa apat na bayan. Kinausap ko ang Mayors ng Balete, Kalibo at Banga na sa Bayan ng New Washington nalang po ilagay. At malaki po ang aking pasasalamat sa kanila dahil pumayag naman ang mga butihing Mayors na sa atin itayo ang District Hospital. At nais kong sa Interior Barangay ilagay at kung loloobin ay sa Brgy. Mataphao.
Kaya nga po bilang paghahanda, sa 2023 budget ay naglaan agad tayo ng kinakailangang budget bilang counterpart ng ating LGU.
- For the LetterW- Welfare and Social Services
Sinigurado natin ang mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag release ng Medical and Burial Financial Assistance para sa kanila. Upang maibsan kahit papaano ang kanilang pangangailangan. May total na 339 beneficiaries na po ang nakinabang dito.
Hindi natin pinalampas ang pagkakataong tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Agaton kaya naman nagkaroon tayo ng distribution of DSWD Family Food Packs to 6,000 Families in Coastal and Interior Barangays last July, 2022. Para sa kahandaan sa anumang kalamidad na darating, nagkaroon tayo ng agreement with DSWD ng Pre positioning ng Food packs. Thank you for the initiative of MSWD Head, Mrs Marichu R. Dantes.
Through Sustainable Livelihood Program (SLP) We will be distributing E-bikes (electronic bike) with sidecar for 30 persons, funds from Gov Joen P450, 000 , P300, 000 will be shouldered by the LGU and P30, 000 from yours truly (applause)
Congratulations din sa very successful Launching ng Community Based Monitoring System (CBMS), sa tulong ng PSA at sa pangunguna ng ating napaka sipag na Focal Person Ms. Leni Macalacad kasama niya ang mga Team and Area Supervisors, and Enumerators under the overall supervision of MPDC headed by Engr. Denes Casugbu.
Dagdag pa rito, Over 200 persons with disabilities participated in the National Disability Prevention and Rehabilitation Week Celebration. They availed free haircut, hair color, manicure and pedicure, also a body massage last July 19, 2022 at Bgry. Tambak covered court.
Nakapag purchase din po ang ating MSWDO ng 10 wheelchairs para sa mga nangangailangan nating constituents.
Nais kong ibahagi na meron po tayong dalawang PWD na kabilang sa mga job order personnel sa LGU para ipakita ang suporta at kahalagahan nila sa ating komunidad at kilalanin ang kanilang kakayahan.
Sa panig naman ng ating Local Civil Registrar nagkaroon tayo ng Distribution of Certificate of Live Births under Birth Registration Program for Aklan sa Barangay Hall ng Jalas noong August 17, 2022 at sa iba pang Barangay sa darating na mga araw. I believe that birth certificates are important as it is to authenticate one’s identity and nationality; to gain access to education, health care, employment, and other government services.
Sa COMELEC naman ay nagkaroon po tayo ng month-long Registration of Voters noong July 2022, the Comelec New Washington Office was able to register Regular and SK Voters kung saan ang kabuuang naka-rehistro na sa ngayon ay 33, 671 regular and 12, 692 SK Voters.
It is almost 8 years already, however, the Housing Projects in New Washington are still, not yet completed and not fully awarded to the rightful recipients.
LGU New Washington is continuously coordinating with the NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) as regards to the status of the on-going construction of housing units in all Barangays, with housing projects.
LGU aims to award all units as soon as possible, upon NHA and the constructors being able to address all problems, issues and concerns found during the Joint Inspection and Validation of recipients.
Sisiguraduhin ko na ang bawat PABAHAY ay mapupunta sa MOST QUALIFIED RECIPIENTS lalo na ang mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda noong 2013.
- Letter A – Access on Logistics and Infrastructure
Ang sabi ng iba ang lakas daw ng loob ko magpagawa ng magpagawa kahit na wala namang pondo ang Munisipyo. Ang tanong, saan napunta ang pondo?
Dahil mayroon pang anim na buwan pagkaupo ko bago matapos ang taon.
Hindi ko kailangan ng milyon-milyon para mapalinis at mapaganda ang Plaza, ang market, ang port, auditorium at marami pang iba. Dahil in my administration kung anong actual na presyo o halaga ng proyekto ay yon lang ang dapat ilabas sa kaban ng bayan at bilang negosyante sanay po tayong tumawad kung sa tingin natin ay mataas ang binibigay na presyo.

Sa First 100 Days ko, ito na po ang nagawa natin sa Imprastraktura at Logistics:
- Tidying and Repainting Jaime Cardinal Sin and Rizal Park (adlib)
- Triumphal Arch of Cardinal Sin (adlib)
- Rehabilitation of Fountain at Plaza (adlib)
- Renovation of Park Admin Office (adlib)
- Municipal Auditorium and Sports Complex Renovation, Painting, and Improvement (adlib)
- Putting installing flood lights for evening games and painting the basketball floor at the Municipal Auditorium and Sports Complex (adlib)
- Tennis and Badminton court renovation and painting (adlib)
- Newly installed flood lights at Tennis and Badminton court (adlib)
- Renovation of the comfort rooms and newly constructed Septic Tank in the Municipal Auditorium and Sports Complex (adlib)
- Veterans Park Repainting (adlib)
- Renovation and Improvements of Public Market (adlib)
- Repainting and Improvement of Municipal Building
- Purchase of Ambulance – on Process (adlib)
- Rescue Vehicle – on process; Pre bid done (adlib)
- Repainting Lamp post in Brgy. Tambak (adlib)
- Repainting of I LOVE NEW WASHINGTON landmark at Brgy. Tambak (adlib)
- Repair and Repainting of Cottage in Brgy. Tambak – In Front of APC (adlib)
- Adolescence Health Facility and Construction of new septic tank (adlib)
- Ultrasound Machine in our RHU I (adlib)
- Repainting and Improvement of RHU II at Brgy. Mataphao (adlib)
Soon to BID this month
- Completion of construction of Senior Citizen building
- Construction of drainage along Magsaysay Blvd near New Washington Comprehensive National High School area
- Old Municipal Building Continuation of Renovation and Improvement
- Rehabilitation of Original Community Center
- Continuation of rehabilitation and Improvement of Municipal Building
Pinirmahan na rin po natin ang MOA with DSWD on KALAHI, SLP, Social Pension, and 4Ps. (adlib)
- And finally, letter Y-Youth Empowerment and Education
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Lalo na ang mga kabataan na may takot sa Diyos.
Paulit-ulit man natin itong napapakinggan pero ang epekto nito ay patuloy na nararamdaman ng ating sambayanan, lalo na at sila ang susunod na mga lider na mamumuno sa ating pamahalaan. Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga kabataan.
Sa nakalipas na panahon na naranasan natin ang pandemya, napakalaki ng naging epekto nito sa mga activities lalo’t higit sa ating mga kabataan. Batay sa pag-aaral, malaki rin ang naging epekto nito sa mental health nila na naging rason sa kanilang limitasyon sa kanilang functionality. Kaya naman isa ito sa mga inaksyunan natin sa nakalipas na isang daang araw.
Upang paigtingin at manumbalik ang sigla at ang pasyon ng ating mga kabataan, nagkaroon ng mga socialization and sports activities para sa kanila.
Nababahala ako sa Mental Health ng ating mga Kasimanwa, lalo na ng ating mga kabataan na very prone sa stress, anxiety, and depression. As per record meron po tayong 180 mentally-challenged individuals sa ating munisipalidad. Nagkaroon na rin ng regular monitoring ang RHU mula pa noong September, tuwing Martes at Huwebes.
Kaya po pinaayos at dinevelop agad natin ang mga Sports Facilities, especially dito sa Brgy. Poblacion to divert their attention and to avoid stress, anxiety, and depression.
Mapapansin po ninyo ang renovation ng ating plaza, pinaganda at pinanatili nating malinis para po maging maayos at relaxing ang pasyalan ng bawat pamilya at magkakaibigan. At sa December ay magkakaroon na ulit tayo ng Children’s Playground na sobrang importanteng parte ng isang Municipal Plaza.
Our parks are the crown jewels of our town. Our 16 barangays rely on them for rest, recreation and exercise.
Education of our youth is always my priority, I am in full support of all Educators, kaya agad kong pinirmahan for approval of ang kanilang projects under Special Education Fund (SEF).
Lalo na ngayon na nagsimula na ang face-to-face program ng ating mga estudyante.
My First 100 days is over, PERO PAPUNTA PALANG TAYO SA EXCITING PART ng aking journey.
Sinisigurado ko na ipagpapatuloy ko ang sinsero, tapat at transparent na paninilbihan sa mga mamamayan.
Sa patuloy na PAG BAG-O, DISIPLINA ag PROGRESO it atong banwang New Washington, daya pa ro mga ginahandom ko nga matabo nga mga plano, programa ag proyekto:
From the 20% Development Fund for CY 2023
(some of the programs and projects)
- Purchase of lot for Municipal Health Facilities.
- Construction, rehab of Historical Parks/Construction of Comfort Room at Pacto de Sangre Shrine, Ochando
- Construction, Rehab, and improvement of the Municipal Health Center (RHU1)
- Improvement of Evacuation Center (Installation of Roof and trusses)
- Purchase of Lot and construction of Multi-Purpose Building/Bagsakan Center
(Interior Barangay)
And to more programs and infrastructure projects to address the needs, challenges and to have access to Social Services which is covered by the 20% Development fund.
For the 2023 Outsourcing Fund
- DPWH 5 Million budget for Construction of Multi Purpose Building (Evacuation center and Sports Center) at Bliss Site, Cawayan. (approved)
- DPWH 3 Million budget for construction of Multi-purpose Building with viewing deck and Comfort rooms at Brgy. Tambak (approved)
- DPWH 5 Million budget of Multi-Purpose Building (Public Market), at Poblacion (approved)
- DPWH 275 Million budget for construction of Seawall (Tambak, Poblacion, Polo, and Fatima). (approved)
Due Addition (adlib)
- DPWH Road Widening at Jaime Cardinal Sin Ave. from Brgy Cawayan to Dumaguit(approved)
- DPWH Asphalt overlay along Jaime cardinal sin Avenue(approved)
Ngayon lang daw po nangyari na bumuhos ang proyekto galing sa DPWH para sa New Washington. As for the record of the 1st District office.
Gusto ko rin po ibahagi ang isa pang magandang balita sa inyo. Noong September 22, 2022 ay nagkaroon ng assessment ang DILG para sa Seal of Good Local Governance (SGLG). At sa buong Aklan tanging ang New Washington at Kalibo lamang ang pinalad na mapabilang sa Shortlist of 3rd batch sa NATIONAL ASSESSMENT (adlib)
Ganun pa man, ating binigyan ng parangal at insentibo ang limang empleyado ng Lokal na pamahalaan ng New Washington dahil sa isang dekada nilang panunungkulan.
Nais kong pasalamatan ang ating Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating butihing Vice Mayor Hon. Jesus Quimpo sa mabilis na tulong sa lahat ng Programa ng ating Administrasyon, kahit mag over time silang mag session kung kinakailangan gawan ng resolusyon o ordinansa ay masipag nilang ginagawa ang kanilang tungkulin sa banwang New Washington.
Pwede pong tumayo ang ating Vice Mayor, mga SB Members, Liga President at SK President. Maraming salamat po sa inyo.
Mga PINALANGGA KONG KASIMANWA, I ensure you that the LGU NEW WASHINGTON FUND, RESOURCES, and BUDGET is secured and will be utilized for the improvement and development of our municipality during my term as your Municipal Mayor, Meaning Free of Corruption and will be spent wisely to what are the essentials and necessary for the common good and welfare of our people. Iisa lang po ang lagi kong sinasabi sa mga Contractors at mga pumupunta sa opisina ko, I only want Quality projects, I DON’T WANT A CUT… you deliver a Quality project to the people of New Washington at magkakasundo tayo.
Sa tulong ng ating Poong Maykapal, ako ay naniniwala sa Kanyang pangako sa Proverbs 3:6 na nagsasabing, “Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at Kaniyang ituturo ang iyong mga landas.”
Sa uman, akon nga ginahinyo sa akong mga kaibahan sa pagserbisyo sa publiko ag mga kasimanwa nga ibhan gid ninyo ako sa Pagsagwan it atong Baruto sa sueod pa it more or less 1,000 days paadto eamang sa Direksyon it Pagbag-o, Disiplina ag Progreso sa atong banwang New Washington!
A Glorious Monday evening to everyone!
God Bless New Washington! God bless us all!
Maraming Salamat po!
You may like
-
New Book “Transforming the Workforce With Micro-credentials” offers a Blueprint for the Future of Skills-Based Hiring
-
DSWD6 extends cash aid to typhoon-affected families in New Washington through ECT
-
AirAsia Philippines Expands Cebu Hub with New Direct Cebu–Bangkok Flights
-
Cayetano Backs Measure to Keep Children Safe in Tourism Spots
-
Ex-Marines diniinan ang akusasyong tumanggap si Stella Quimbo ng male-maletang pera
-
The New Saltwater Bridge: Boracay and Romblon Unite

