Connect with us
News Trends PH

OPINION PAGE

Housing Project ng National Housing Authority sa Nalook, Kalibo, nakatiwangwang?

Published

on

Ni: Roben Laserna
Makikita sa mga larawan na hanggang ngayon ay nakatiwangwang na ang proyekto ng National Housing Authority (NHA) sa Sito Vega Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan, kung saan, para ito sana sa mga biktima ng Bagyong Yolanda noong 2013, pero nakakalungkot dahil makalipas ang 12 taon ay hindi pa rin ito napapakinabangan.
Kung hindi sana minadali ang pagbili ng sakahang palay ng mga magsasaka, ay patuloy pa rin sanang itong napapakinabangan at nakakapag-ani ng mga palay, subalit, nakakapanlumong makita na ang nasabing proyekto ay pinabayaan na lamang.
Ilang mga residente ng nasabing brgy ay tenant sa kinatatayuan ngayon ng pabahay, na ngayon ay sobrang nanghihinayang at nalulungkot sapagkat ang aahinin sanang mga palay ay mapapakinabangan ng kanila mismong pamilya, at ng iba pang mamamayan na merong bigas at kanilang ihaha-in sa kanilang mga hapag kainan.
Ang masakit sa puntong ito ay hanggang ngayon, yung mga nasabing tenant ay nag-aantay pa rin na mabigyan sila ng award, o lupa na kanilang share bilang mga lehitimong tenant.
Dama ko ang sobrang lungkot at panghihinayang ng mga tenant dahil makalipas ang maraming taon, sakripisyo, dugo at pawis ang kanilang pinuhunan upang mapapangasiwaan ng maayos at makapagbigay ng makakain sa mga tao ay basta na lamang silang inabandona, at nilabag ang kani-kanilang karapatan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *