
Ni: Mary Hope Zonio
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon kungdi maraming beses nang may tinulungan si Patrolman Lhar T. Talaga na kasalukuyang nakadestino sa Caticlan Airport Police Station. Kaya naman maraming mga netizens ang humanga sa kanya matapos niyang tinulungan ang isang ginang na nanganak sa Barangay Caticlan, Malay, Aklan noong nakaraang Marso 20.
Base sa report, nasa duty umano si Patrolman Talaga noong araw na iyon nang lumapit sa kanya ang asawa ng isang ginang upang humingi ng tulong dahil sa nakakaramdam na ito ng pananakit sa kaniyang tiyan. At dahil malapit lang naman ang bahay ng mag-asawa sa Caticlan airport kung saan naka duty si Patrolman Talaga ay agad niya naman itong pinuntuhan.
Sa isinagawang International Examination o IE napag-alaman na malapit na palang lumabas ang sanggol kaya tinulungan nalang ito ni Patrolman Talaga na maipalabas ng ligtas ang sanggol sa pamamagitan ng normal delivery.
Labis naman ang tuwa ng mag-asawa dahil sa pagtulong sa kanila ng nasabing pulis. Si PatrolmanTalaga ay kilala na sa lalawigan ng Aklan dahil sa kaniyang pagtulong sa mga nanganganak na babae. Samantala, kinilala naman ng Philippine National Police ang ginawa ni Patrolman Talaga. Ito umano ay kasama sa kanilang Chief PNP’s MMK=K (Malasakit) Program.