Connect with us

Election 2025

Jun Agravante nagpahayag ng suporta sa mga babaeng hardinero sa Kalibo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Nagpahayag ng suporta  kamakailan si Ricardo ‘Jun’ Agravante para matulungan at mapausbong ang industriya sa Kalibo ng mga nag ha hardin lalo na sa mga kababaihan.

Isa si Agravante sa mga inimbitahan ng grupong Aklan Gardeners Association sa paglulunsad ng kanilang marketplace sa pamamagitan ng tulong ng Office of the Provincial Agriculture. Matatagpuan ang kanilang marketplace sa hanay  ng Melgar Road, Barangay Estancuia Kalibo, Aklan.

Bukas ang nasabing lugar magmula alas otso ng umaga hangang alas sais ng hapon araw-araw.

Kilala si Agravante sa Aklan bilang isa sa mga champion sa pagtataguyod ng industriya ng agrikultura lalo na sa hanay ng food security.

Pansamantala munang inilipat sa Estancia ang lugar na pagbebenta ng mga hardin dahil sa kasalukuyang development ng Aklan Provincial Capitol.

Kung matatandaan, dumami ang mga babaeng nag ha hardin o  mas kilala sa tawag na plantita simula noong panahon ng COVID 19 pandemic. Matapos ang pandemya, marami sa mga kababaihan ang ginawa ng hanapbuhay ang pagtatanim ng mga hardin.

Si Agravante ay isang vice mayor aspirant sa bayan ng Kalibo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay