Connect with us

Election 2025

Jun Agravante nagpahayag ng suporta sa mga nagsagawa ng TUPAD

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

 

KALIBO, Aklan- Nagpahayag ng pag suporta si Ricardo ‘Jun’ Agravante sa ilang mga TUPAD beneficiaries sa bayan ng Kalibo.

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Ayon kay Agravante, naiintindihan niya ang paghihirap ng mga residente dahil naranasan niya rin eto dahil siya ay naging magsasaka at umunlad sa kaniyang determinasyon. Ayon pa sa kaniya, nais niyang makatulong sa mga eto kapag siya ay nabigyan ng pagkakataon.

Tinatayang nasa 1,000 na mga residente sa Kalibo ang kamakailan na sumailalim sa TUPAD program. Kasama ni Agravante sa pagpapahayag ng suporta sila dating Kalibo Mayor William Lachica, Ramel Buncalan at iba pa.

Si Agravante ay naghain kamakailan ng Certificate of Candidacy sa pagka vice mayor para sa 2025 elections.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay