Connect with us
News Trends PH

Election 2025

Act-CIS Partylist nangakong ipa aircon ang Tangalan Covered Court

Published

on

Tangalan, Aklan- Nangako ang ACT-CIS Partylist sa pangunguna ni Representative Erwin Tulfo at Edvic Yap na ipa aircon ang buong covered court ng Tangalan, Aklan.

Bumisita si Tulfo at Yap sa Tangalan Biyernes ng umaga sa imbitasyon ni Second Congressman Teodorico Haresco at Tangalan Mayor Gary Fuentes. Maliban sa kanila, sinalubong din sila ng ibat ibang leaders sa Aklan sa pangunguna ni dating Kalibo Mayor William Lachica, dating New Washington mayor Shimonette Peralta at iba pa.

Dumalo si Tulfo para personal na i endorso ang pamimigay ng  (Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers) o TUPAD  sa tulong ng Department of Labor and Employment o DOLE. Daan daang mga residente sa Aklan ang nabigyan ng tulong sa nasabing programa.

Ayon kay Tulfo, labis siyang nasiyahan sa mainit na pagtangap na ipinakita sa kaniya ng mga Aklanons kayat naisipan niya ring magpasalamat sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga taga Tangalan.

Ayon pa sa kaniya, personal etong babalik sa susunod na taon para personal na pasinayaan ang paglalagay ng aircon sa nasabing covered court. Paghahatian ni Tulfo at ni Yap ang perang gagamitin pambili ng air con units.

Ang ACT-CIS Partylist ay binuo ni dating police Chief Supt  Samuel Pagdilao Jr na naging regional police director ng Western Visayas.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *