
KALIBO, Aklan- Nanindigan si dating Kalibo mayor William Lachica na hindi eto magba backout. Sa kabila diumano eto ng panawagan ng ilang mga personalidad na huwag na niyang ituloy ang kaniyang pagbabalik pulitiko. Ang mga hindi kinilalang personalidad ay natatakot diumano na manalo ang dating alkalde.
Hindi naman malinaw ang dahilan kung bakit natatakot ang iba na muling manalo si dating mayor Lachica sa susunod na election.
Ayon kay Ricardo ‘Jun’ Agravante Jr., vice mayoralty candidate ni dating Mayor Lachica, ipinaabot ng dating alkalde ag kaniyang mensahe na hindi eto susuko sa pagtakbo sa darating na May 2025 national and local elections.
Si Lachica ay ilang taon ding nanilbihan bilang alkalde ng Kalibo hangang matapos ang termino nito noong taong 2019.
Naniniwala diumano ang dating alkalde na ang mga kalaban lamang nito sa pulitika ang nasa likod nang panawagan na mag back out eto bagaman walang sinasabing lehitimong kadahilanan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang paghahanda sa darating na eleksyon kasama ang tandem nito na si Agravante bilang vice mayor aspirant at mga councilor aspirants na sila Kagawad Engr. Ken Fegarido, Joefel Magpusao, Ramel Buncalan at Maribeth Villanunueva-Cual. Kasama din sa tandem ang mga re-electionist na sila konsehal William Lachica Jr.. at Gus Tolentino.