
By: Joseph Rowenb Dela Cruz
Nanumpa na bilang bagong Vice President for Visayas ng League of Provinces of the Philippines(LPP) si Aklan Governor Jose Enrique “Joen” Miraflores, kahapon, Agosto 11, 2022.
Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nanguna sa pangangasiwa ng oath-taking ceremony sa Malacaรฑang Palace na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang mga probinsiya ng bansa.
“Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin at nangangakong mas lalo ko pang pagbubutihin ang aking trabaho sa abot ng aking makakaya para sa Probinsiya ng Aklan” ani Miraflores.
Dagdag pa ng Gobernador, itinuturing umano niyang karangalan ang pagpapakita sa kanya ng kumpiyansa ng kanyang mga kasamahan sa gobyerno dahilan para mahalal siya sa ganitong nasyonal na posisyon, lalo na at ito’y unang termino pa lamang niya.