By: Hensie Tumbagahan
It is a real living. Pwede palang mamili ng payapa kesa mamilit. Pwede pa lang nararamdaman lang hindi dinadamdam.
Parang ang hirap no? Ano daw yun? Hindi ko din alam paano nagawa. Namili lang din. Naramdaman lang din.
Hindi hiningi. Kusang dumating. Feelings. Choices. Flow. Minsan may resistance ngunit tanggapin ang katotohanan sa buhay hindi natin alam ang kasunod. Mamimili na lang.
Ito yata ang sekreto ni Universe? Heto, para sayo; saan diyan ang gusto at gagawin mo? Oy, gumalaw ka. Hindi pwedeng isusubo ko sa’yo lahat.
Kahit sabihin pa ng iba, ganito ang gawin mo. Ganyan dapat, ano yan? Mas mabuti pa rin na tanungin ang sarili, anong nararamdaman at gustong gawin?
Magtiwala ka ng totoo sa Kanya. Patatagin ang pananampalataya at irespeto ang paniniwala ng iba. Iba-iba tayo ng koneksyon sa Amang Manlilikha ng Sanlibutan.
Alam ko, nasa puso natin siya. Galing sa Kanya ang ating puso. Hindi ito nadungisan ng gaya sa ating isip ayon sa sinaunang kwento, nakakain ng prutas ng karunungan si Adan at Eba galing sa mapanlinlang na ahas.
Isentro ang mundo sa puso ng sangkatauhan upang malabanan ang mali ng nakaraan.
Peace and love.