
KALIBO, Aklan- Hinimok ng grupong JCI Aklan Kalantiaw na ipagdiwang ang tradisyon ng mga katutubong ati sa isasagawang fund raising for a cause bilang bahagi ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival.
Sa temang ‘Born This Way The Ati Pride’ isasagawa eto sa darating na January 16, 2024 sa NVC Gym.
Layon ng fund raising event ay makalikom ng pondo para mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga katutubong ati sa Aklan. Isasagawa ang programa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng positibo at makabuluhang pamamaraan.
Isa sa mga inaasahang darating sa nasabing pagtitipon ay si Ms Carla Fuentes, ang kauna unahang Akeanon na fashion designer naย binihisan ang kandidata ng Miss Universe Bahrain sa nakalipas na Miss Universe 2023.
Nagsilbi din siyang hair and make up artists ng ilang kilalang artista sa telebisyon katulad nila Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Alden Richards, Lovi Poe, Sarah Lahbati, May May Intrata, Edward Barbers, Lani Misalucha , Jona Viray, Klarisse de Guzman at iba pa.
Ayon sa organizers, magbibigay din ng papremyo sa mga mapipiling may maganda at makabuluhang kasuotan sa nasabing event.
Ang JCI ay organisasyon sa ilalim ng JCI Philippines, isang non-profit na binuo para sa may mga edad 18-40 anyos na naglalayong makatulong sa pagbibigay ng solusyon sa lahat ng antas ng lipunan.