Connect with us

Politics

Kalibo Mayor Namigay ng Libreng Gasolina sa mga Tricycle Drivers

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Namigay ng libreng P200-P500 na halaga ng gasolina si Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro sa may 150 na mga tricycle at motorcycle riders sa nasabing bayan.

Ayon sa mga nakakaalam sa pangyayari, nangyari ang pamimigay ng vouchers sa mga tricycle drivers nitong Lunes March 30, 2026. Unang nabigyan ng tig P500 na gasolina ang nasa 50 na tricycles. Ngunit dahil na rin sa panawagan ng mga residente, nagdagdag pa si Bautista ng tig P300 bawat isa sa may 50 na motorsiklo.

Kinalaunan, muling namigay si Bautista nang tig P200 na gasoline vouchers sa may 50 pa na mga riders.

Walang pinili ang nasabing alkalde sa pamimigay ng vouchers at binigyan ang mga riders na pumila sa abot ng makakaya ni Mayor Bautista. Napag-alaman ng Boracay Island News Network na personal na pera angย  ginamit ng alkalde sa pamamahagi ng vouchers. Ibat ibang gasoline stations sa Kalibo ang laman ng vouchers.

Kilala ang bayan ng Kalibo bilang isa sa mga tricycle capital sa bansang Pilipinas.

Laking pasalamat naman ng mga riders sa binigay na ayuda sapat para maibsan ang paghihirap ng maraming riders sa patuloy na pagtaas ng gasolina sa merkado.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay