Connect with us
News Trends PH

Agriculture

Miraflores pinuri ang PAFC-Aklan

Published

on

KALIBO, Aklan- Pinuri ni dating Aklan Governor Florencio Miraflores ang mga opisyal ng Provincial Fisheries and Agriculture Council -Aklan dahil sa walang humpay nitong serbisyo sa mga programang pag agrikultura sa lalawigan.

Si Miraflores ang nagrepresenta sa kaniyang anak na si Governor Jose Enrique Miraflores sa pagtitipon sa provincial capitol grounds ng may 4,000 na libo ng farmers galing sa ibat ibang bayan sa Aklan.

Partikular na na mention ni Miraflores ang ibat ibang kooperatiba na sangkot ng PAFC. Ilan lamang dito ay ang Integrated Barangays of Numancia Multi-Purpose Cooperative (IBON-MPC), Lezo Multi-Purpose Cooperative (Lezo MPC), Libacao Multi-Purpose Cooperative (Libacao MPC) at iba pa.

Ayon kay Miraflores, noong panahon na siya pa lang ang gubernador ay nagsisimula pa lamang ang IBON-MPC at lumaki na eto ngayon bilang isa sa nangungunang kooperatiba sa Aklan.

Nagpasalamat naman si Arnulfo Magcope, presidente ng PAFC at siya ring IBON MPC Chair kasama si Vicmae Macavinta sa naging pahayag na eto ni Miraflores.

Sinabi naman ni Engr Alexys Apolonio, provincial agriculture office head na ang pagtitipon na eto ng mga magsasaka ay kabilang sa programa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Department of Agriculture.