Connect with us
News Trends PH

Election 2025

Pagsasabatas ng ibinabalik na ROTC law ihahabol sa susunod na school year -Tolentino

Published

on

KALIBO, Aklan- Pinapamadali na diumano ni Presiident Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang pagasabatas ng muling pagbabalik ng ROTCย  lalo na sa mga kolehiyo sa buong bansa.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, kinausap siya ni Presidente Marcos sa nakaraangย  (Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacanang noong nakalipas na Martes at pinag usapan ang pagbabalik ng ROTC. Nasa Kalibo si Tolentino Sabado ng umaga para pasinayaan ang Traffic Management Mentorship Assistance Program sa nasabing bayan.

Kasama rin ang Land Transportation Office sa nagpasinaya at nagpahayag ng suporta sa nasabing programa. Si Tolentino ay dating chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bago naging senador.

Ayon kay Toletintino, hindi lamang daw paghahanda sa banta ng China ang pagbabalik ng ROTC training sa kolehiyo kung hindi makatulong na rin sa pagsasaayos ng traffic, pagtulong sa mga natural calamities at iba pa.

Kung matatrandaan,pinatigil ang pagsasagawa ng ROTC training sa mga kolehiyo mga ilang taon na ang nakakalipas dahil sa pagdami ng kaso ng hazing.

Naniniwala naman si Tolentino na wala nang hadlang sa pagsasabatas ng muling pagbabalik ng ROTC training sa mga eskuwelaahan sa buong bansa sa susunod na pasukan.