
Ni: Hensie Tumbagahan
Ang cucute niyo pa dito.

Yung anak mo na sanay walang tsinelas maglakad. Yung mga kuya na laging naandyan pag kailangan ng kalaro. Yung tatay na umiyak lang ang apo, kahit natutulog at pagod, babangon pa rin para tingnan at alamin kung ano ang ngyari.

Number 1 supporter ng lahat. Walang nauna, walang naiba. Lahat magkakaparehas at importante sa kanya.
Naalala ko pa nung bagong panganak ako, syempre new mother, walang alam sa pinasukang yugto. Magpapaligo pa lang, hindi na alam kung paano siya hawakan. Wala si mama at tatlo lang kami ang natira. Sa sobrang selan ko sa bata, nalagyan ko ng alcohol ang tubig pampaligo niya.
Grabeng iyak ng bata na hindi ko na alam kung anong mali. For me wala naman akong ginawa ah. Napabalikwas si tatay at tinanong kung ano ang ngyari. Pero wala akong masabi dahil sa takot.
Kinuha niya sa akin ang baby at pinapapalitan ang lahat ng gamit pangligo ng bata. He helped me washed her and he took the baby with him.
Naiwan akong naka-blangko at nakatingin sa kanilang dalawa. Nagpantal at nagtubig talaga ang may forehead ng bata.

Simula noon, ingat na ingat na akong masaktan siya. Innocent mistake pero ang sakit hindi basta-basta mawawala. She may not remember what happened, but she will feel the pain. Hindi naman kasi siya makapag-salita di ba?
Minsan akala natin wala tayong nagawang mali pero unconsciously may nasasaktan na pala tayo. Sino ba dapat ang maging responsable. Sila, ikaw, ako o tayo?
Innocent feelings require love from within.
Peace and love.
