Connect with us

Commentary

“Ang nagtawid sa aking mga pangarap.”

Published

on

Ni: Hensie Tumbagahan

“Ang nagtawid sa aking mga pangarap.”
Simple lang ang pinagmulan kong pamilya. Ang tatay ko ay isang mangingisda, ang nanay namin ay may munting tindahan. Minsan gumagawa ng kakanin at aming ibebenta.
Hanggang sa nakilala at naging kaibigan ni mama ang isang bagong lipat na kapit-bahay na nagbigay ng dagdag kabuhayan sa aming baranggay. Ang pag-gawa ng basket na kung tawagin namin sa Aklan ay ‘Nito’ o ‘Neto’ na makukuha sa mga kabundukan ng aming probinsya. (Maaaring meron din nito sa inyo, hindi lang nakikita.)๐Ÿ˜‡
Simula elementarya, high school, hanggang sa nagkolehiyo ito ang aming ginagawa. Upang mairaos ang isang araw ng hapagkainan, kami ay katuwang ng aming ama’t ina.
Sa pag- aaral mula unang taon hanggang sa makapagtapos ng koliheyo, ito ang naging sandalan ko, namin. Dahil kahit may scholarship kulang pa din para sa ibang gastusin. Doble-kayod upang maisagawa ang isang panibagong yugto ng pamumuhay.
Maagang sinubok at lumaban. Tinawid ang daan ng buong tapang. Kahit ang aking magulang nagsasabi at naghahayag, siya ang pinaka-matapang sa kanilang apat.
Middle child, eldest sister, ate ng pamilya. Kapag may kailangan laging naandyan siya. Sapagkat ang hirap na dinanas niya hangga’t kayang punan at hindi ipaalam, ayaw niyang inyong makagisnan.
Pakatandaan lang na si ate, matapang man at lumalaban, malambot ang puso sa inyong pangangailangan.
Hangga’t kayang iabot at ibigay, walang maririnig na ingay. Kaya, dalangin ko sa Maykapal wag bitawan ang aking kamay. Patuloy na iaangat upang inyong maging gabay.
Peace and love. โค๏ธ
-HINC-

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *