Connect with us

Lifestyle

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Tiwala si Senator-elect Alan Peter Cayetano na katulad ng South Korea, sisikat din sa buong mundo ang sining at kultura ng Pilipinas.

“Alam mo y’ung pinagdaanan natin pagdating sa performing arts, sa [visual] arts, sa maraming bagay, sa mga produkto, pinagdaanan ng Korea ‘yan,” pahayag ni Cayetano sa kanyang talumpati nang pasinayaan ang “Back in the Day,” isang art exhibit ng local artist na si Otep Bañez.

Kuwento niya, hinahangaan sa South Korea ang mga gawang Pilipino. “N’ung umikot kami ng Korea, palaging tinuturo sa akin, ‘Sir, ‘yung museum na ‘yan gawa ng Pinoy.’ So they’re so proud na gawa ng Pinoy; (pero) pagbalik sa atin, ang gusto natin gawa ng Koreano,” wika niya.

Umaasa si Cayetano na magiging daan angmarami pang mga establisimyento para tangkilikin ng mga Pilipino ang lokal na sining sa pamamagitan ng mga art exhibit. “Kasi parati na lang tayong, ‘Uy ang ganda n’un! Ay pero local,’” aniya.

Bilang tagahanga ng iba’t ibang local artist, kilalang kolektor si Cayetano ng ilang mga painting at eskultura. “As maybe a representative of your many, many friends who are here, [I want to help revive] y’ung how the integrated resort once honored Philippine artists, and what better day than Independence Day,” wika ni Cayetano kay Bañez.

Tubong Paete, Laguna, isinasalarawan ni Bañez sa kanyang mga pinta at ukit ang buhay-probinsya gamit ang matitingkad na kulay at mga imaheng labis ang reaksyon ng mukha.

Pinuri ni Cayetano ang pagpupunyagi ni Bañez na iangat ang lahat ng alagad ng Pilipinong sining sa pamamagitan ng pamumuno nito sa Paete Artists Guild. “Thank you, Otep, for making the world a brighter place,” pahayag niya.###

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay