Connect with us

Agriculture

OFW Corner: “Bahagi ng Agrikultura ang Pangingisda”

Published

on

 

By: Hensie Tumbagahan

Sa isla ng Panay matatagpuan ang apat na probinsya ng Ilo-ilo, Capiz, Antique, at Aklan. Boracay Island is just a part of our geography and there’s more hidden gems than the island. Hindi lang turismo ang kailangang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan. Most part of our islands is agricultural.

When we say agriculture it composes of farming, fishing, forestry, and mining. Pero bakit tila napag-iwanan at hindi man lang nabigyan ng atensyon ang pangingisda? Noong panahon ng Covid-19, matatandaan na halos lahat ay hindi makalabas, walang trabaho, at ang tanging bumubuhay sa pamayanan ay ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayupan, at pangingisda. (Maliban sa mga nagtatrabaho sa medical field.)

Angย  larawan sa itaas na kuha ni (Aklanong Manggugubat) ay isang halimbawa ng pangingisda na tinatawag sa aming lugar na “taksay”. Ito ay isa sa mga kinamulatan kong hanapbuhay ng aking lolo at ama. Ang taksay ay ang paghuhulog ng lambat sa dagat upang makahuli ng isda (malaki o maliit), pagkatapos ay sama-samang hihilahin ng mga tao sa pangpang ng dagat. Isang magandang halimbawa ng bayanihan.

Ngunit ito ang pinakamasakit, unti-unti na itong nawawala at napapabayaan. Marami sa mga magulang ang ayaw na ring iparanas ang ganitong hirap sa kanilang mga anak. Ito ay dahil sa kakulangan ng programa galing sa pamahalaan. Ang baybayin kung saan malaya kaming manghila ng lambat, tumakbo para kumuha ng basket, at lumangoy sa dagat ay unti-unti ng inaangkin ng mga taong nais gawing pasyalan ang aming lugar.

Ang mga bangka na dapat sana ay makikita sa baybayin ay nawawalan na ng espasyo at napapalitan ng mga istrukturang pang-pasyalan. Mataas din ang bentahan ng isda sa merkado ngunit kinukuha ng pasang-awa mula sa mangingisda. Kapag nagka-aberya ang makina sa gitna ng karagatan, maghihintay kang iligtas ng mga Bantay-Dagat kapag handa na sila.

Ang kalakalan ng agrikultura ay malawak na aspeto. Kung mawawala ang teknolohiya sa mundo, babalik tayo sa pangunahing kakayahan upang mabuhay sa mundong ito.