
Ang swerte pala ng mga past love na dumaan sa buhay ng iba. Kahit hindi na parte ng buhay may puwang pa rin sa puso at isip nila. Yung gusto na nilang mag-move forward pero dala-dala sa puso ang mga pahina ng pangarap, alaala, at pagmamahal na kinulayan lang ng pagka-muhi dahil nasaktan sila.
Bilang isang babaeng dumaan sa relasyon na nagtiis ng ilang taon masamahan lang ang isang tao na nasaktan ng sobra kapalit ay kanyang kalayaan at kalungkutan. Umaasa na sana makita niya ang taong kasama at hindi ang mga alaala ng mga taong wala na sa buhay nila.
Sabi ko nga sa isang kakilala, “Hindi ko alam kung sa’yo ako makikisampatya dahil ikaw ang nauna at alam kong nasaktan ka. Pero, mas masakit sa pangalawa na kailangan niyang sundan at punan ang yapak na iyong iniwan.”
Kaya ipinangako ko sa aking sarili na kung sakali man na magsisimula ako ulit ng panibago, dapat yung alam ko na kung saan ako mag-uumpisa. Ayokong sundan o punan ang nawala sapagkat nakakasawa ang maghintay at umasa na sana ikaw naman ang makita at hindi sila.
If someone ever crosses the path of love in your life, may you see him/her in who they are. Hold their hearts and hands, and unite the minds so the flame of love will forever blaze.
Mixing the past and the present is useless. Talking about the past is okay. Bringing the past in the present is not an A+. We will never forget the past, but we can certainly live in the present with no PRETENSE.
Finding, healing, and loving our souls to be with our true mate in the realm of life.
Peace and love.
