
Magandang Araw po sa inyong lahat. Ako po si Joseph Delgado isang PWD Advocate, Founder and Chairperson ng grupong ALKASAMOPI o Alyansa ng may Kapansanan na nagmamaneho ng Sasakyan at Motor sa Pilipinas, Inc. at PWD Issues & Concerns for the Rights of Persons with Disability nag-apply po aq as aspirant for Senatorial Election 2025.
Hindi po suntok sa buwan ang pagtakbo ko bilang Senador, ito po ay karapatan ko bilang isang Pilipino, ayon sa ating saligang batas.Pangalawa, gusto ko pong gampanan ang adbokasiya para sa mga maykapansanan.Trabaho, kabuhayan, at Karapatan para sa mga maykapansanan.Ito rin po ay pagpapahayag ng totoong kalagayan ng mga May kapansanan.
PANAHON NA PARA MAGING TOTOO SA KARAPATAN NG MGA MAY KAPANSANAN.
Ito po ang aking mga agenda o plataporma sa senado kung ako po ay palarin.1. Susugan ang buwanang 2,000 Monthly Social Pension para sa taong may kapansanan.2. Libreng buwanang maintenance na gamot ng isang taong may kapansanan 3. Libreng Buwanang Laboratory Test tulad ng ECG, Urinalysis, Blood Sugar Test, X-Ray at iba pa4. Susugan na makagawa ng batas at polisiya na maglaan ng 1% PWD Employee sa lhat ng mga pabrika at malalaking kumpanya para mabigyan ng trabaho ang mga Unemployed PWDs. Once n hindi sumunod ang isang kumpanya o pablika ay suspendehin ang kanilang Business Permit bilang kaparusahan.5. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga taong may kapansanan na makapag-apply ng Professional Drivers License sa LTO at gumawa ng batas at polisiya patungkol sa mga costumized motorcycle for PWD at ganun din para na mga Hand Control Vehicle for PWD dito sa Pilipinas,6. Susugan na magpasa ng batas at polisiya patungkol sa Accessibility Law na lhat ng gusali ay compliance alinsunod sa itinakda ng batas ng Building Code at Batas Pambansa BP3447.
Bigyan ng buwanang nessesity needs goods tulad ng Bigas, De-Lata, Noodles at Gatas at iba pa ang bawat taong may kapansanan na dapat lang na laanan ng pondo ng gobyerno kunin sa sin tax bill8 Susugan na gumawa ng batas at polisiya na lahat ng TODA ay may unit na Tricycle PWD Friendly na malayang nakakasakay at walang barrier ang mga PWD na nakawheelchair. ganun din ang mga Modernized Jeepney9. Libreng Parking Fee sa lhat ng mga Mall, Restaurants, Public and Private Buildings para sa taong may kapansanan10. Libreng Pasine sa lhat ng taong may Kapansanan tulad s benepisyo ng mga senior citizen11. Maglaan ng pondo ang gobyerno na mabigyan ng mobility devices tulad ng Prosthetic Devices, Hearing Aid, Wheelchair at iba pa.
12. Gumawa ng batas at polisiya na maglaan ng hiwalay na parkingan para sa motorsiklo, Tricycle, E-Bike, at E-Bike na nagmamaneho o may sakay na taong may kapansanan na hirap ng makalakad.13. makagawa ng Batas at Polisiya na papanagutin at patawan ng pagkakakulong ang mga taong umaabuso sa karapatan na malayang paggamit ng Designated PWD Parking sa lhat ng mga Malls at iba pang establisyemento.14. Bumuo ng isang grupo at maglaan ng opisina para Task Force Accessibility Team na kung saan sila ang tututok sa mga reklamo ng mga taong may kapansanan.15. Maglaan ng pondo ang gobyerno for Road Safety Awaness Campaign upang mapababa ang mga aksidente sa kalsada na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kapansanan na nadadagdagan sa bilang ng datos nang may kapansanan.16. Gumawa ng batas at polisiya ang gobyerno na patawan ng mabigat na kaparusanan ang sino mang tao na nagbebenta at tumatangkilik ng pekeng PWD ID
17. Gumawa ng Batas at Polisiya ang gobyerno na bigyang pangil ang batas mataas na kaparusahan sa mga Food chain o Restaurants at iba pang kumpanya na hindi sumusunod sa tamang pagbawas ng diskwento para sa taong may kapansanan.18. Gumawa ng Batas at Polisiya ang gobyerno na paigtingil at bigyan ng pangil ang batas patungkol sa mga tao vlogger man o hindi, patungkol sa pagmamaliit, pamamahiya o pag-aalipustan sa mga taong may kapansanan mabigat na kaparusahan na kabayaran at pagkakakulong sa mapapatunayan na nagkasala sa batas na ito.
Ginawa ko itong pagtakbo for senator hindi po para sa personal kong interest. kundi para po ito sa bawat maralita at mahihirap na kababayang nating may kapansanan. Kung hindi ako kikilos, Sino ang kikilos?? Kung hindi ngayon, Kelan??Kailangan ko po ng pagsuporta nyong lhat na sabihin sa inyong mga kamag-anak at kaibigan n hanapin po ang aking pangalan sa balota sa pagkasenador bilang tulong at pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan ako lng po ang naging daan o tulay ng poong may kapal para sa pagbabago sa hanay ng sektor ng may Kapansanan





MABUHAY ANG SEKTOR NG MAY KAPANSANAN