Connect with us
News Trends PH

Advisory from the Government

GSIS, magbibigay ng ginhawa sa pagbabayad ng loan penalties

Published

on

Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng mas pinagaang sistema sa pagtutuos ng penalties para sa mga hindi nabayarang loan ng mga miyembro.

Layunin ng bagong polisiya na tulungan ang mga miyembrong may unpaid loans na makabangon sa kanilang pagkakautang, habang hinihikayat din silang magbayad nang tama sa takdang oras.

Para mas madaling maintindihan ng mga miyembro ang kanilang babayaran, gagamitin ang simple interest sa pagkukwenta ng penalties sa hindi nabayarang hulog ng loan.

“Nauunawaan namin ang kalagayan ng aming mga miyembro, lalo na sa panahong mahirap ang gastusin,” pahayag ni GSIS President at General Manager Wick Veloso. “Kaya naman gagawin naming mas simple ang pagtutuos ng penalties para malinaw sa kanila kung magkano ang dapat bayaran.”

Dahil dito, maibabalik sa magandang katayuan ang mga loan sa GSIS sa pamamagitan ng pagbabayad ng lahat ng hindi nabayarang hulog, kasama na ang penalties.

Para naman sa mga hindi kayang bayaran ang kabuuang halaga nang agaran, tatanggap ang GSIS ng partial payments para sa mga loan na hindi nabayaran nang hanggang anim na buwan.

Ang bagong sistemang ito ay magbibigay-daan sa mga borrower na mapabuti ang kanilang credit standing at magkaroon ng pagkakataong muling makapag-apply ng GSIS loans.

Sakop ng ilulunsad na patakaran ang lahat ng natitirang balanse ng mga aktibo at hindi aktibong miyembro, maliban sa service loans na nabayaran na.

Kasalukuyang inihahanda ng GSIS ang mga alituntunin para sa bagong polisiyang ito at ibabalita ang mga detalye sa lalong madaling panahon.

“Ang pagbabagong ito ay patunay sa pangako ng GSIS na bigyang-ginhawa ang aming mga miyembro. Tinitiyak naming patuloy ang ‘Ginhawa for All’ sa lahat ng aming serbisyo,” dagdag ni Veloso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *