Connect with us
News Trends PH

Election 2025

Jun Legazpi inspirado sa dumaraming opposisyon sa Aklan

Published

on

IBAJAY, Aklan- Inspirado si Vice Governor Aspirant Jun Legazpi para tumakbo sa pagiging bise gubernador sa lalawigan ng Aklan dahil sa nakikita nitong suporta ng mga opposisyon sa buong lalawigan g Aklan.

Sa isinagawang press conference, sinabi ni Legazpi na unti unti na ang paglutang ng mga opposition sa Aklan dahil sa kapabayaang  ginawa diumano ng kasalukuyang administrasyon sa Aklan. Isinagawa ang press conference sa Jammins Hotel sa Barangay Colongcolong, Ibajay Aklan.

Ilan lamang sa mga liders na nagpakita ng suporta ay nagmula sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Tangalan, Batan, Malay, Makato, Buruanga, Libacao, New Washington at iba pa.

Ayon kay Legazpi, marami na ang nagugutom sa ngayon dahil sa diumanoy kapabayaang ginawa dahilan para kumunti ag flights na nagseserbisyo sa Kalibo International Airport. Kumukunti din ang bilang ng mga foreign tourists na bumibisita sa isla ng Boracay.

Dahil dito, maraming esgtablisyemento na ang nagsara sa isla ng Boracay.

Ayon naman kay Second District Congressman Teodorico Haresco, mas inuuna kasi ng maraming pulitiko sa Aklan na unang ilagay sa puwesto ang mga kamag anak nito sa nakalipas na maraming taon imbes na ibahagi ang kapangyarihan sa ibang nais magsilbi sa Aklan.

Sa ganitong pamamaraan, mabibigyan ng chance ang ibang Aklanon na makapag serbisyo sa Aklan at maging pantay pantay ang higit na nakakarami sa ngalan ng demokrasya.

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *