Mga taga-Boracay, meron ba kayong hawak na marumi o sira-sirang pera? Pwede mo itong papalitan ng bagong pera o e-money sa Piso Caravan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Aklan Bankers Club.
Pwede ring papalitan ang inyong mga perang barya, fit o unfit man, ng perang papel. Isinusulong ng BSP Piso Caravan ang BSP Clean Note and Coin Policy at Coin Recirculation Program.
Ang pera ay tinuturing na unfit kung ito ay may labis na pagkalukot, kupas ang imprenta, o may mantsa. Mutilated naman ang pera kung ito ay may punit, butas, nginatngat ng hayop, o sira-sira.
Para sa mga nais magkaroon ng bank o e-wallet account, magdadaos ng account opening activity ang kalahok na financial service providers.
Magkita-kita tayo sa August 16, 2024, sa Feliz Hotel Boracay La Plaza, D’Mall De Boracay, mula 12:00 noon hanggang 3:00 p.m.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Piso Caravan, bisitahin ang mga sumusunod: